Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte sa mga patuloy na sumusuporta sa kaniya sa kabila ng araw-araw na umano’y paninira at mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), nananatiling mas mataas ang trust rating ni VP Sara sa 56%, kumpara sa 36% ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
