Nagpapakita umano ng kawalan ng katatagan ang pamumuno ng administrasyon dahil sa madalas na pagpapalit ng mga kalihim at iba pang opisyal ng pamahalaan, ayon kay Vice President Sara Duterte.
Aniya, naaantala ang trabaho ng mga ahensya dahil sa bawat pagbabago sa pamunuan, napapalitan din ang mga tauhan at hindi agad naipagpapatuloy ang mga programa at mandato ng mga ito.
