“THE NBI DIRECTOR IS HEAVILY BURDENED WITH A CONFLICT OF INTEREST”
Kinuwestiyon ni Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni Vice President Sara Duterte, ang umano’y conflict of interest ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa imbestigasyon sa mga alegasyon ni Rodulfo Gracioso Jr. laban sa Bise Presidente.
Ayon kay Atty. Lim, dati nang naglabas si Matibag ng mga pahayag at artikulo laban sa Bise Presidente.
Kinuwestiyon din ni Atty. Lim ang mga pahayag ni Matibag tungkol sa pag-usad ng imbestigasyon. Aniya, tila nagpapahiwatig ang mga ito ng pagiging guilty ni VP Sara at ng kaniyang pamilya habang nagpapatuloy ang impeachment trial.

