Nagbigay ng reaksiyon si Vice President Sara Duterte sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maghanda ng mga balde para mag-imbak ng tubig-ulan bilang paghahanda sa super El Niño.
Dagdag pa ni VP Sara, wala umanong maayos na aksyon ang pamahalaan sa naturang isyu.
Sa kabila nito, sinabi ng Bise Presidente na nakahanda ang Office of the Vice President (OVP) na tumulong sa mga magsasaka, mangingisda at mga negosyo sa gitna ng naturang phenomenon.
