Sinabi ni Vice President Sara Duterte na kulang sa ebidensiya kung kaya nag-withdraw ang prosekusyon ng kasong panunuhol o bribery laban sa kaniya sa impeachment trial.
Ayon kay Duterte, layunin lamang umano ng prosekusyon na siraan siya at mapatalsik sa puwesto.
Matatandaang tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban kay Duterte ang iniurong ng prosekusyon, kabilang ang mga alegasyon tungkol sa confidential funds at death threats.


