Itinanggi ng pamunuan ng Casas Con Vistas Resort sa Pangubatan, Samal Island ang mga alegasyong nag-uugnay sa resort bilang pag-aari umano ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.
Â
Sa inilabas nitong opisyal na pahayag, iginiit ng resort na walang direktang kaugnayan ang mga may-ari nito kay Cong. Duterte o sa sinumang opisyal ng pamahalaan.
Â
Hinimok din ng pamunuan ng resort ang publiko na tiyaking mula sa mapagkakatiwalaang sources ang mga impormasyon bago ibahagi ang mga ito. Nagbabala rin ito ng posibleng pagsasagawa ng legal na hakbang laban sa mga sadyang magpapakalat ng mali at mapanirang pahayag.
Â
📸: Casas Con Vistas Resort Pangubatan, Samal Island


