Tumangging magkomento si Senador Bong Go sa mga pahayag na hindi makatarungan o sayang sa panahon at budget ang pag-atras ng prosecution sa Articles of Impeachment I, III, at IV laban kay Vice President Sara Duterte.
Gayunman, sinabi ni Sen. Go na ang nais makita ng mga senator-judge ay isang pantay at patas na laban sa paglilitis.
Naniniwala siya na kung ang isang panig ay nakapag-atake na, marapat lamang na mabigyan din ng pagkakataon ang kabilang panig.

