Muling personal na humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, noong Oktubre 13 para sa status conference bilang paghahanda sa nakatakdang paglilitis sa Nobyembre 30.
Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang buwan na personal siyang dumalo sa pagdinig ng korte.
Tinalakay sa status conference ang mga logistical arrangement para sa paglilitis. Inaasahang tatagal ng ilang buwan o taon ang proseso, kung saan susuriin ng korte ang mga alegasyon at tutukuyin kung may pananagutang kriminal ang dating pangulo.
📸: ICC
