As of 2 p.m., nananatiling nasa yellow rainfall warning ang Zambales at Bataan dahil sa banta ng mga pagbaha.
Ayon sa PAGASA, asahan ang mahina hanggang malalakas na pag-ulan sa Cavite at ilang bahagi ng Rizal, Batangas, Nueva Ecija, Quezon, at Laguna.



Samantala, nararanasan ang parehong lagay ng panahon sa ilang bahagi ng Bataan, Metro Manila, Pampanga, Tarlac, Bulacan at mga karatig-lugar.

