Kasama ang 62-anyos na Pilipina sa dalawang nasawi sa isang aksidente sa Freeway No. 1 sa Miaoli County, Taiwan noong Agosto 19, ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Ayon sa ulat, sakay ng van si Ebelia Escalona Cortes na patungo sa Taiwan Taoyuan International Airport nang bumangga angsinasakyan nito sa likuran ng isang Tesla.
Matapos ang banggaan, bumaba ang driver ng van at Tesla para mag-usap nang biglang may bumangga na isa pang sedan sa kanila. Sa lakas ng impact, naipit si Cortes sa pagitan ng mga upuan ng van.
Sinabi ng MECO na nakatakdang iuwi sa Pilipinas ang labi ni Cortes sa Agosto 30.


