Nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Paluan sa Occidental Mindoro dahil sa matinding epekto ng malalakas na pag-ulan at pagbaha nitong nakaraang linggo.
Sa datos ng lokal na pamahalaan, umabot sa 19,062 indibidwal o 4,399 pamilya ang naapektuhan ng masamang lagay ng panahon. Habang may 1,541 mangingisda at 57 magsasaka ang naapektuhan ang mga kabuhayan.

