Nagbabala ang Trump administration sa mga bansang patuloy na nakikipagnegosyo sa Iran. Anila, maaari silang patawan ng secondary sanctions bilang bahagi ng inilunsad na “economic onslaught” ng Estados Unidos laban sa Tehran.
Ayon kay U.S. Treasury Secretary Scott Bessent, palalawakin ng Washington ang pagpataw ng sanctions sa limang sektor ng ekonomiya ng Iran, kabilang ang digital assets, gold, technology, aviation, at shipping.
Samantala, hindi pa tinukoy ng Estados Unidos kung aling mga bansa ang posibleng ma-target, habang hindi rin isinama sa bagong sanctions list ang mga Chinese financial institutions na hinihinalang tumutulong sa oil trade ng Iran.
📸: Reuters

