Nahuli-cam si MMDA General Manager Nicolas Torre III gamit ang isang Toyota Fortuner na mali ang plaka habang dumaraan sa EDSA Busway.
Kinumpirma ni Torre na siya ang gumagamit ng sasakyan. Paliwanag niya, minomonitor niya noon ang traffic situation kaugnay ng roadworks sa EDSA-Guadalupe Bridge at tumutugon sa isang stalled vehicle.
Ngunit ayon sa LTO, hindi awtomatikong exempted sa busway rules ang government vehicles. Mas lumalim pa ang isyu matapos matuklasan ng LTO na ang government plate na nakakabit sa Fortuner ay hindi tugma sa rehistro nito. Ayon sa record, nakatalaga ang plaka sa ibang sasakyan ng MMDA.
Nasa kustodiya na ngayon ng LTO ang Fortuner. Inatasan na rin ang MMDA na magsumite ng rehistro, official receipt, at iba pang dokumento upang magpaliwanag.
Nakatakdang dinggin ng LTO ang kaso bukas, Biyernes, Setyembre 4. | via Eden Santos
📷: AutoIndustriya



