Sumang-ayon si presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero sa naging tugon ni Atty. Michael Poa sa tanong ni Senator-Judge Risa Hontiveros kung lahat ba umano ng naging pagkilos ng DepEd noong siya ay undersecretary ay naaayon sa batas.
Piniling hindi magbigay ng pahayag si Poa upang hindi umano maging biased ang kaniyang tugon bilang witness. Ayon kay Poa, mas mainam na ebidensiya ang sumagot sa naturang tanong kaysa magmula sa pahayag ng counsel, na sinang-ayunan din ni Sen. Escudero.


