Nagkaroon ng landslide sa Bundok Mariveles sa Barangay Pita, Dinalupihan, Bataan kahapon ng Linggo, Agosto 30. Napansin umano ng ilang residente ang pagkawala ng tubig sa ilog sa kanilang lugar.
Pinapayuhan ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog, partikular sa Babarongga, Old San Jose, Pagalangang, Pentor, at Daang Bago sa Dinalupihan, maging sa Balsik, Hermosa, na mag-ingat at umiwas muna sa paglapit sa ilog dahil sa posibilidad ng biglaang pagbabago ng daloy ng tubig, flash flood, at karagdagang pagguho ng lupa.
📹: Kristel Manigdig | via Albert Cancino


