Umani ng batikos si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos kumalat ang kaniyang video kung saan kinantahan niya si First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanilang post-birthday celebration noong Agosto 26, sa kasagsagan ng malakas na ulan at malawakang pagbaha sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon.
Ayon pa sa mga netizen, hindi akma ang naturang pagpa-party habang ang maraming Pilipino ay lubog sa baha.
Muli ring idiniin at kinalampag ang gobyerno dahil sa maanomalyang flood control projects na hindi pa rin naaaksyunan hanggang ngayon.
📷: Mayor Bonito Singson


