Lumampas na sa 3,000 katao ang nawawala matapos ang matinding flash flood at pagragasa ng yelo at debris sa border area ng Nepal at Tibet. Umabot na rin sa 750 ang mga bangkay na narekober.
Ayon sa mga awtoridad, 2,498 katao ang hindi pa nakokontak at 734 na ang kumpirmadong nasawi. Samantala, iniulat ng China na 546 ang nawawala at 16 ang nasawi sa Tibet.
Kabilang sa mga nawawala ang daan-daang dayuhan at mahigit 100 manggagawa na pinaniniwalaang na-trap sa mga tunnel ng hydroelectric project.
Ayon sa U.S. Geological Survey, bunsod ng pagbagsak ng glacier ang sakuna. Tinatayang nasa 93,000 katao sa Nepal ang maaaring naapektuhan ng insidente.
📷: RT News


