Tinatayang 10,000 TUPAD workers ang itinalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang tumulong sa paglilinis ng waterways sa Metro Manila matapos muling makaranas ng matinding pagbaha dahil sa habagat.
Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, shifting ang trabaho ng TUPAD workers.
Kasama rin nila ang mga tauhan ng MMDA para sa safety at technical assistance. Hinikayat naman ang publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura dahil nakabara ang mga plastic waste sa mga daluyan ng tubig at maaaring magdulot ng pagbaha.
📷: Philippine News Agency


