Patuloy ang search and rescue operation sa apat na pasaherong nawawala matapos mahulog sa ilog ang isang Toyota Avanza nang masira ang Agana Bridge sa Tarlac City nitong Sabado, Agosto 29.
Ayon sa Philippine Air Force, isang pasahero ang nasagip at dinala sa Tarlac Provincial Hospital, habang patuloy na hinahanap ang apat pa.
Bumagsak ang Agana Bridge sa Barangay Tibag bandang 8:32 ng gabi noong Sabado, sa kasagsagan ng malakas na ulan at malakas na agos ng tubig ng ilog dahil sa habagat.
Isang araw bago nito, bumigay din ang bahagi ng Aquino Bridge sa Tarlac City kung saan hindi pwedeng madaanan ng mga motorista.
📷: Tarlac City Government


