Umabot sa 186 millimeters ang naitalang ulan sa Metro Manila sa loob ng 23 oras dahil sa habagat, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Batay sa datos ng PAGASA Science Garden Station, naitala ang rainfall mula 9:00 ng umaga noong Sabado, Agosto 29 hanggang 8:00 ng umaga noong Linggo, Agosto 30.
Mas mataas ito sa 143.5 millimeters na naitala sa loob lamang ng siyam na oras noong Sabado.


