Umabot na hanggang dibdib ang baha sa Cutud, San Fernando, Pampanga ngayong Lunes, Agosto 31 bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan dala ng habagat.
Gamit ang isang batsa, dito inilagay ng ilang residente ang kanilang mga gamit para hindi mabasa at malubog sa tubig. Nakisilong din muna ang ilan sa mga kalapit-bahay na hindi mataas ang baha.
📹: Trialyn Manliclic | via Monica Pacleb

