Umabot sa 429 na lugar sa apat na rehiyon ang binaha dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng habagat, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).
Kabilang sa mga apektado ang National Capital Region (NCR), Ilocos Region, Central Luzon, at CALABARZON. Naitala rin na ang mga nasirang bahay ay nasa 3,158, at 13 tulay ang nananatiling hindi madaanan habang nagpapatuloy ang clearing operations.
Samantala, dalawang lalaki ang nasawi at dalawa ang sugatan sa landslide sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales nitong Sabado.
Ayon sa PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang mga pag-ulan na dala ng habagat sa ilang bahagi ng Luzon.


