Isang bagong tambayan at stopover para sa mga biyahero at concert-goers ang pormal nang nagbukas sa Philippine Arena Complex sa Bocaue, Bulacan—ang bagong branch ng Starbucks, malapit sa Philippine Arena.

Bagong option ito para sa mga naghahanap ng masarap na kape habang nasa biyahe sa NLEX, papunta sa isang event, o nais lamang magpahinga at magpalipas ng oras sa loob ng complex.

Bukod sa mga malalaking concert at sporting events, may iba’t ibang lugar at activities din na maaaring puntahan sa Philippine Arena Complex. Kabilang dito ang The Garden, kung saan maaaring mag-relax at mag-enjoy sa open spaces, at Arena Paddle Grounds, na nag-aalok ng recreational activities para sa mga gustong maglibang.
Dagdag na experience at itinerary ito para sa mga pamilya at magkakaibigan na gustong mag-bonding, mamasyal o magpahinga bago ipagpatuloy ang kanilang biyahe o habang hinihintay ang pagsisimula ng kanilang event.
Sa dami ng maaaring gawin at puntahan sa complex, hindi lamang ito destinasyon para sa mga event—there’s always a reason to come to the Arena.
