Tuluyan nang gumuho at nilamon ng rumaragasang ilog ang bahagi ng riverside sa Barangay Anunas, Angeles City, Pampanga matapos ang patuloy na malalakas na pag-ulan.
Bukod sa mga kabahayan, tuluyan na ring nawala ang bahagi ng lupang kinatatayuan ng mga ito.
Pangamba ng mga residente, mas marami pang bahay ang maaaring gumuho kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan, lalo na’t nasira at wala nang sapat na slope protection sa lugar.
📹: via Victor Sanchez

