Nakaapekto sa operasyon ng flood control facilities sa Metro Manila ang pagnanakaw sa mga kable, valve, at manhole cover, ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon.
Hindi umano naging operational ang Sunog Apog Pumping Station sa Tondo matapos manakaw ang high-voltage cables nito. Naibalik naman ang operasyon matapos mapalitan ang mga kable.
Ninakaw din umano ang heavy-duty check valves sa Tumana Pumping Station at mga iron manhole cover sa Roxas Boulevard, na naiugnay sa ilang aksidente.
📷: DPWH


