Nasawi ang isang 25-anyos na lalaki matapos mahulog sa isang bukas na drainage sa Barangay Cutcut, Angeles City, Pampanga.
Sa CCTV footage, makikitang naglalakad ang biktima sa Friendship Highway habang umuulan at baha ang kalsada noong Biyernes, Agosto 28. Bigla na lamang siyang nahulog habang hawak ang kaniyang payong.
Sinubukan siyang tulungan ng ilang nakasaksi, ngunit hindi na siya nasagip. Natagpuan ang kaniyang katawan makalipas ang halos isang oras, malayo sa lugar kung saan siya nahulog.
📷: John Ry Tambalgue


