Pinapayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga na-expose sa baha na magpakonsulta sa health center o YAKAP clinic sa loob ng 24 hanggang 72 oras upang maiwasan ang leptospirosis.
Ayon sa DOH, huwag nang hintaying lumabas ang mga sintomas na karaniwang nakikita lima hanggang 15 araw matapos ang exposure.
Umabot na sa 5,835 ang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto 2026, kabilang ang 358 nasawi.



