Nasawi ang dalawang lalaki habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang lupa sa isang warehouse area sa Tipo High Tech Park sa Subic Bay Freeport Zone, Zambales nitong Sabado, Agosto 29.
Ayon sa mga awtoridad, isa sa mga nasawi ang driver ng dump truck na nakaparada malapit sa lugar, habang ang isa naman ay Chinese national na iniulat na marketing manager ng isang kumpanyang nasa loob ng park.
Dalawang iba pang manggagawa ang sugatan. Isa sa kanila ay nakalabas na ng ospital noong Sabado ng gabi habang ginagamot ang isa pa.
Patuloy ang clearing operations at imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
📷: SBMA


