Hindi pa rin passable sa Class 1 o light vehicles ang San Simon Interchange at Tulaoc Northbound dahil sa patuloy na pagtaas ng water level ng Pampanga River ngayong Lunes, Agosto 31.
Patuloy na inaaksyunan ng mga awtoridad ang tubig-baha ngunit pansamantalang pinayuhan ang mga motorista sa Northbound lane na mag-exit sa Sta. Rita at dumaan sa Maharlika Road patungo sa CLLEX bilang alternative route.
Ang mga light vehicles naman sa Southbound lane na papuntang Maynila ay pinayuhan na dumaan sa CLLEX patungo sa Maharlika Highway.
📹: via Earlo Bringas

