Nasawi ang mag-asawang negosyante matapos pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sadsaran, Mauban, Quezon nitong madaling araw ng Huwebes, Agosto 27.
Ayon sa pulisya, nilooban ang bahay ng mga biktima dahil nawawala ang ilang personal na gamit ng mga ito, kabilang ang wallet at cellphone.
Naaresto sa hot pursuit operation ang suspek. Narekober sa kaniya ang gintong singsing ng biktima, kutsilyo, jacket, at pantalon na umano’y suot niya nang mangyari ang krimen.
Nahaharap ang suspek sa kasong robbery with homicide.
📹: via Martin Banaag
📷: Mauban MPS



