Hindi na umano kailangang ipatawag ng House prosecution panel si Army Col. Raymund Dante Lachica bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa prosecution, sapat na umano ang mga naunang testimonya at ebidensyang nailahad upang ipakita ang alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Nabanggit si Lachica sa mga naunang testimonya kaugnay ng ₱500 milyon na confidential funds na umano’y ipinag-utos ni Duterte na ilipat sa kaniya.
Samantala, sinabi ni Lachica na handa siyang tumestigo kung ipapatawag siya ng impeachment court.
📷: VPSG File


