Nasawi ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Leongson St., Barangay San Roque, Navotas City, bandang 11:10 ng gabi nitong Huwebes, Agosto 27.
Kinilala ang biktima bilang isang residente ng Barangay Daang-hari. Naglalakad umano ang babae nang lapitan at barilin ng suspek.
Patuloy ang backtracking at imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa suspek.
📹: via Edison Domingo
📷: NCPS-NPD



