2 PATAY, 11 PANG SUGATAN SA ROAD ACCIDENT SA BATANGAS
Dalawang menor de edad ang nasawi habang 11 iba pa ang nasugatan nang banggain ng isang wingvan truck ang isang pampasaherong jeep sa National Highway, Brgy. Concepcion, Batangas City, nitong Miyerkules, Agosto 26.
Sa inisyal na imbestigasyon, pumalya umano ang preno ng truck, dahilan para mawalan ng kontrol ang driver at mabangga ang jeep na paliko sa kalsada.
Nasa kustodiya na ng Batangas City Police ang 55-anyos na truck driver habang patuloy ang imbestigasyon. | via Jim Tejano
📷: Batangas City Police
