Pinadagdagan ng Department of Health (DOH) ang mga kama sa mga pampublikong ospital habang patuloy ang pagdami ng kaso ng leptospirosis dulot ng mga pagbaha.
May 42 pang bakanteng kama sa mga ospital ng DOH sa Metro Manila, habang 33 pasilidad naman ang naglaan ng fast lanes para mas mabilis na matulungan ang mga pasyenteng may leptospirosis.
Sa pinakahuling tala, umabot na sa 4,285 ang kaso ng leptospirosis sa bansa, kung saan pinakamarami ang naitala sa Metro Manila, Cagayan Valley, at Central Luzon.
