Pansamantalang inihinto ng Commission on Elections (Comelec) ang delivery ng mga gamit at materyales na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Kasunod ito ng patuloy na pagdinig ng Kongreso kung matutuloy ang halalan sa Nobyembre 2.
Isa sa mga pinag-aaralan ng mga mambabatas ay ang pagpapaliban ng halalan sa Oktubre 2027, pati ang pagpapalawig sa limang taong termino ng mga opisyal ng barangay at SK.
Dahil dito, posible ring maantala ang training para sa mga guro at election personnel na nakatakdang magsimula sa Setyembre.
