Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang LIGTAS+, isang bagong sistema na gumagamit ng artificial intelligence (AI), satellite imagery, at geospatial analytics upang gawing real-time at kapaki-pakinabang na impormasyon ang mga magkakahiwalay na ulat sa sakuna para sa mga opisyal ng edukasyon.
Ayon sa EDCOM II, nawawalan ang mga paaralan ng average na 40 hanggang 50 araw ng pag-aaral taon-taon dahil sa mga kalamidad.
Sa pamamagitan ng LIGTAS+, mas maagang makakapagdesisyon ang mga school head at makapaghahanda bago pa lumala ang isang kalamidad, para mabawasan ang pagkaantala ng klase.
