Thu, Aug 27Thursday, August 27, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    Cesar Batingal

    Cesar Batingal

    Columnist · NET25

    Porsche, papeles at panganib — Derek Ramsay, nakasakay sa kontrobersiya?

    Alegasyon ng misdeclaration sa papeles ng Porsche 918 Spyder ni Derek Ramsay ang sentro ng usapin. Habang itinanggi niyang smuggler siya, lumalalim ang mga tanong tungkol sa importation, buwis, registration at pananagutan.

    August 27, 20263 min read

    Hindi baha ang sumalubong sa luxury car ni Derek Ramsay kundi isang mas nakalulunod na problema—papeles, buwis at Customs!

    Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang sasakyang pangarap lang ng marami ay puwedeng maging dahilan para sumakit ang ulo ng may-ari?

    Ang pinag-uusapang Porsche 918 Spyder ni Derek ay hindi ordinaryong kotse. Isa itong rare at napakamahal na supercar. Pero sa halip na puro flex, bilis at pogi points ang pinag-uusapan, ngayon ay nasa gitna ito ng usapin ng Bureau of Customs.

    Ang alegasyon

    May alegasyon ng misdeclaration sa importation documents. At dito na nagsisimula ang EKSENA!

    Ayon sa BOC, Porsche Boxster ang idineklarang modelo sa mga dokumento, pero Porsche 918 Spyder umano ang aktuwal na sasakyan. At kung tama ang assessment ng Customs, napakalaki ng diperensya sa halaga at buwis na dapat sana ay nabayaran.

    Aray!

    Hindi ito iyong tipong, “Ay, maling variant lang pala.” Dahil milyon-milyon ang pinag-uusapan dito.

    Pero bago natin lagyan ng sariling hatol si Derek, pakinggan muna ang kaniyang side.

    Mariin niyang itinanggi na smuggler siya. Sinabi niyang hindi naman siya ang nag-import ng sasakyan at binili lamang niya ito mula kay Jhon Lee ng JWORKS gamit ang sarili niyang pera.

    Ang alam niya?

    Maayos ang papeles. Tax-paid.

    Legal.

    At kung ganoon nga ang kaniyang pagkakaalam nang bilhin niya ang sasakyan, ibang usapan iyon.

    Mga tanong na kailangang sagutin

    Pero heto ang nakakaintrigang tanong:

    Kung malinis ang pagkakabili ni Derek, paano nakarating ang sasakyan sa kaniyang pangalan?

    Paano ito nakalusot sa proseso? Paano ito nairehistro?

    Advertisement

    Sponsored placement

    At paano nagkaroon ng mga dokumentong tila nagsasabing iba ang modelo ng sasakyan?

    Ayan ang dapat himayin.

    Hindi sapat na sabihin nating, “Celebrity kasi.” At hindi rin sapat na sabihing, “Buyer lang siya.”

    Kung may mali nga sa importation, kailangang tukuyin kung saan nagsimula ang problema at kung sinu-sino ang may pananagutan.

    Dahil kung tutuusin, ang buyer ang huling bahagi ng chain.

    At kung ang isang tao ay bumili ng sasakyan na may kasamang papeles at registration, natural lamang na aasahan niyang legal ang lahat.

    Pero sa batas, siyempre, hindi sapat ang “akala ko okay.”

    Paper power

    Kaya ngayon, ang Porsche ni Derek ay hindi na lang usapin ng horsepower, hybrid engine at presyo.

    Usapin na ito ng paper power!

    At habang inaayos ng mga awtoridad ang kaso, siguradong maraming mata ang nakatutok.

    Dahil kapag ordinaryong sasakyan ang sangkot, baka ilang tao lang ang makapansin.

    Pero kapag Porsche 918 Spyder na pag-aari ng isang sikat na artista? Ay, ibang klase ang eksena!

    At dito natin makikita na kahit gaano kamahal ang kotse, may isang bagay na hindi dapat tipirin:

    Ang tamang dokumento.

    Dahil puwedeng mabilis ang Porsche.

    Pero kapag may problema ang papeles, siguradong mas mabilis pa ang paghabol ng batas.

    Kaya sa susunod na may mag-flex ng luxury car at sabihing, “Dream car ko ’to!”

    Baka ang magandang follow-up question ay:

    “Tax-paid ba, bes?”

    Dahil sa kuwento ni Derek Ramsay, mukhang hindi lang presyo ng kotse ang kailangang tingnan.

    Minsan, mas mahalaga ang presyo ng papel na kasama nito.

    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    Cesar Batingal

    Cesar Batingal

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    See all columns by Cesar →

    Keep reading

    Next columnA Mismanaged PhilippinesBy NET25 Editorial Habang abala ang mga tagapagpaganap sa paglilinis ng sariling pangalan at anomalya, tila walang nagpapatakbo ng bansa. Ito ang datos: 2.3 porsyentong paglago, P18.55 trilyong utang, imbestigasyong walang hatol — habang binabaha tayo ngayong Agosto.→

    More from Cesar

    Umeeksena pa rin… kahit walang literal na red carpet!Jul 29→“Patay na ba ang Industriya ng Pelikulang Pilipino?”Jul 08→“Siya ba ’yan?”: Nang mas naging viral ang pigura kaysa sa artistaJul 03→

    More voices in Opinion

    Baha, Dugo, PeraCaesar Vallejos·Aug 23→Na-maleta si GutezaLaila Tumanan·Aug 23→
    ←NET25 Opinion