NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    Wed, Jul 29Wednesday, July 29, 2026
    NET25 Logo
    • NEWS
    • ENTERTAINMENT
    • OPINION
    RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
      • News
      • Entertainment
      • Opinion
      • Radyo Agila
      • Eagle FM 95.5
      • Program Schedule
      • About Us
      • Profiles
      • Contact Us
      • Privacy Policy
      • Sales
      • Job Application
    • CONNECT WITH US
    ← OpinionNext column →
    Cesar Batingal

    Cesar Batingal

    Columnist · NET25

    Umeeksena pa rin… kahit walang literal na red carpet!

    Nawala man ang engrandeng red carpet sa SONA, hindi nawala ang usap-usapang fashion. Sa bagong Eksena, alamin kung paano nanatiling sentro ng atensyon ang Filipiniana, designer creations, viral memes, at social media, patunay na buhay pa rin ito.

    July 29, 20264 min read

    Hindi lang State of the Nation Address ang inaabangan tuwing Hulyo. Sa totoo lang, para sa maraming Pilipino, may isa pang "programa" bago pa man magsimula ang talumpati ng Pangulo—ang SONA Fashion Show.

    Dito naglalaban-laban ang pinakamagarbong Filipiniana, pinakamodernong terno, pinakamakinang na alahas, at pinakamalalakas ang dating. May unofficial Best Dressed, may fashion critique, may style review, at siyempre, may kanya-kanyang opinyon ang publiko.

    Minsan nga, parang mas marami pang nag-uusap tungkol sa mga outfit kaysa sa mismong laman ng SONA.

    Pero nitong mga nakaraang taon, nagbago ang eksena.

    Noong 2025, isinantabi ang engrandeng red carpet bilang pakikiisa sa mga Pilipinong naapektuhan ng mga kalamidad. Mas pinili ang pagiging simple bilang paggalang sa kanilang pinagdaraanan.

    At ngayong 2026, ipinagpatuloy ang parehong direksiyon. Wala na ang media wall na tila runway. Wala na ang mahahabang parada ng gown at terno. Wala na ang dating engrandeng fashion spectacle na nakasanayan.

    Pero ang totoo, hindi naman tuluyang nawala ang eksena.

    Nagbago lang ang paraan ng pag-eeksena.

    Isa rin sa mga napansin ng marami ang no-show ng dalawang personalidad na halos naging fixture na rin ng SONA fashion coverage—Heart Evangelista at Sharon Cuneta.

    Aminin na natin, may mga nanonood ng live coverage hindi lang para sa pulitika kundi para rin makita ang kanilang mga kasuotan. Kaya nang hindi sila makita sa Batasan, parang may kulang sa palabas. Parang nanood ka ng awards night na walang red carpet o fashion week na walang runway.

    Pero huwag nating sabihin na naging simple na ang fashion. Hindi rin naman.

    Kung tutuusin, marami pa ring designer pieces, intricate embroidery, at Filipiniana na halatang pinag-isipan. Ang pinagkaiba lang, parang mas pinigil ang drama. Wala na ang napakahahabang train ng gown at sobrang theatrical na silhouettes na dating laman ng red carpet.

    Kapansin-pansin din na maraming panauhin ang pumili ng puti, ivory, at iba pang light-colored ensembles, na nagbigay ng mas malinis at mas pormal na kabuuang dating.

    Hindi na kasing bongga ng dati, pero hindi rin matatawarang elegante.

    Patunay rito ang First Lady Liza Araneta-Marcos, na muling naging isa sa mga pinag-usapang bihis ng SONA.

    Suot niya ang soft pink Filipiniana na likha ng kilalang Filipino fashion designer na si Michael Leyva. Tulad ng mga nagdaang taon, agad itong naging usap-usapan sa social media.

    At siyempre, hindi mawawala ang tanong ng mga netizen:

    "Magkano kaya ang OOTD ni First Lady?"

    Hindi man isiniwalat ang halaga ng kanyang couture gown, sapat na ang pangalan ng designer upang pag-usapan ito ng mga fashion enthusiasts.

    Advertisement

    Sponsored placement

    Ang totoo, lumipat lang ang eksena.

    Kung dati ay nasa red carpet ang lahat ng atensyon, ngayon ay nasa social media na.

    Bago pa man magsimula ang programa, sunod-sunod na ang OOTD ng mga senador, kongresista, kanilang mga asawa, at iba pang panauhin. Ang dating hinihintay sa telebisyon ay ilang segundo na lang, nasa Facebook, Instagram, TikTok, at X na.

    Isa sa mga dumalo sa mismong SONA ay si Senadora Camille Villar, na pinuri sa kanyang eleganteng Filipiniana.

    Samantala, naging usap-usapan naman ang all-black ensemble ni Senadora Imee Marcos sa pagbubukas ng 20th Congress. Ayon sa kanya, ang kanyang kasuotan ay gawa sa mga retaso—simbolo umano ng bansang "gutay-gutay, hiwa-hiwa, biyak-biyak, tira-tira."

    Isang outfit na hindi lang para mapansin, kundi para maghatid ng mensahe.

    At dahil social media ang bagong runway, hindi mawawala ang memes.

    Kung dati ay Best Dressed ang inaabangan, ngayon ay parang may bago nang kategorya—Best Meme of the Day.

    Nag-viral si ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo matapos ikumpara ng mga netizen ang kanyang hairstyle sa Philippine eagle at maging sa karakter na Mulawin. Ilang minuto pa lang matapos lumabas ang kanyang larawan, nagsulputan na agad ang memes, edited photos, at iba't ibang nakakatawang caption.

    Ganyan kabilis ang social media.

    Isang hairstyle lang, puwede ka nang maging trending topic.

    At hindi lang siya.

    Halos bawat Filipiniana, bawat manggas, bawat headpiece, at bawat kulay ng tela ay may katumbas na reaksiyon. May pumapalakpak, may pumupuna, may humahanga, at may gumagawa agad ng meme.

    Hindi mo na kailangan ng fashion panel.

    Ang buong internet na ang hurado.

    Doon ko naisip...

    Baka hindi naman talaga nawala ang SONA Fashion Show. Nagpalit lang ito ng entablado.

    Ang dating runway sa Batasang Pambansa ay lumipat na sa timeline ng social media. Ang dating fashion review ng entertainment reporters ay napalitan ng libo-libong comments, reactions, reposts, at memes.

    Ang dating Best Dressed ay maaari na ngayong maging Most Shared.

    At iyon ang tunay na eksena.

    Umeksena pa rin ang fashion kahit walang literal na red carpet. Maaaring mas simple ang pormal na programa, ngunit nanatiling bida ang Filipiniana, ang couture creations, ang mga outfit na may mensahe, at maging ang mga styling na nauwi sa memes.

    Sa Pilipinas, hindi lang ulat ng Pangulo ang pinag-uusapan tuwing SONA.

    Hangga't may OOTD, may opinyon. Hangga't may social media, may fashion review. At hangga't may mga netizen na mapanuri at mapagbiro, siguradong may eksena.

    Was this worth reading?
    Share
    Cesar Batingal

    Cesar Batingal

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    See all columns by Cesar →

    Keep reading

    Next columnPax Silica: Do Not Eat By Rikki MathayPax Silica promises jobs, technology, and billions in investments. But behind every megaproject lies a bigger question: who bears the risks? Before celebrating the future, we should first examine the hidden costs that may outlast today’s promises.→

    More from Cesar

    “Patay na ba ang Industriya ng Pelikulang Pilipino?”Jul 08→“Siya ba ’yan?”: Nang mas naging viral ang pigura kaysa sa artistaJul 03→Tugtugan o bardagulan? Ang tunay na laban ng P-PopJun 26→

    More voices in Opinion

    SONA 2026 | Babaha ng Galit: Sigaw at Saloobin ng MamamayanNET25 Editorial Board·Jul 27→“Mahiya naman kayo!”—Said who?Rikki Mathay·Jul 24→
    ←NET25 Opinion