"Patay na ang pelikulang Pilipino."
Ilang beses na ba nating narinig ang linyang iyan? Tuwing may lokal na pelikulang bumabagsaksa takilya o mabilis na nawawala sa mga sinehan, may mga netizens na agad naglalabas ng death certificate ng ating film industry.
Ang tanong ko... doktor ba sila o certified marites lang?
Hindi ko itatangging kritikal ang kondisyon ng Philippine cinema. Pero ang sabihing patay na itoay parang pagdeklara sa pasyenteng wala nang pag-asa kahit may tibok pa ang puso.
Malaki na ang ipinagbago ng industriya. Noong dekada '80 at '90, mahigit isang daang pelikulaang ginagawa bawat taon at halos linggu-linggo ay may bagong mapapanood. Ngayon, kakauntina ang theatrical releases, mas maraming screening ang napupunta sa Hollywood films, at kapaghindi kumita ang isang lokal na pelikula sa unang dalawa o tatlong araw, mabilis itongnapapalitan. Parang probationary employee... hindi pa nakababawi, tanggal na agad.
Hindi rin nakatulong na unti-unti nang nagsara ang ilang standalone cinemas at nabawasan ang mga sinehang handang magsugal sa lokal na pelikula. Dahil negosyo rin ang sinehan, natural namas bibigyan nila ng espasyo ang pelikulang may mas malalaking tsansang kumita. Ang resulta, may mga de-kalidad na pelikulang halos hindi pa nararating ang publiko, inaalis na agad sa mgasinehan.
Pero hindi rin puwedeng ang mga sinehan lang ang sisihin.
May pananagutan din ang industriya. Ilang beses na ba tayong nakapanood ng pelikulang alamna natin ang ending? Pare-parehong kuwento, pare-parehong formula, pare-parehong eksena. Minsan, mas exciting pa ang trailer kaysa sa mismong pelikula. Pagkatapos, kapag hindi kumita, ang audience pa ang sinisisi dahil hindi raw marunong sumuporta.
Pero teka, sandali lang.
Hindi obligasyon ng Pilipino na suportahan ang isang pelikula dahil lang lokal ito. Ang obligasyon ng industriya ay gumawa ng pelikulang karapat-dapat gastusan.
At usapang gastos na rin lang.
Sa maraming sinehan ngayon, ang presyo ng movie ticket ay nasa ₱300 hanggang mahigit ₱500. Kapag isinama ang pamasahe, parking, pagkain at popcorn, madaling umabot sa ₱1,500 hanggang mahigit ₱2,500 ang simpleng movie date ng isang pamilya.
Noong dekada '90 at unang bahagi ng 2000s, abot-kaya ng karaniwang Pilipino ang panonood ng sine. Ngayon, para sa marami, isa na itong luxury. Kaya natural lang na maging mas mapili ang audience. Kung gagastos ka ng halos limang daang piso sa tiket, aasahan mong sulit ang bawatminutong ilalaan mo sa loob ng sinehan.
Advertisement
Dagdag pa rito ang pagbabago ng panahon. Sa isang cellphone, nandiyan na ang Netflix, YouTube, Disney+, Prime Video, TikTok at iba pang streaming platforms. Hindi na kailangangbumiyahe o pumila para manood. Hindi rin maikakaila na mas exposed na ngayon ang mgaPilipino sa Hollywood, Korean, Japanese at iba pang international content. Mas mataas na rinang inaasahan nila sa kuwento, cinematography at kabuuang kalidad ng pelikula. Hindi na sapatang malalaking artista para mahikayat silang bumili ng tiket.
Hindi kasalanan ng streaming na nagbago ang panonood. Ang tanong ay kung paanomakasasabay ang pelikulang Pilipino sa bagong realidad.
May isa pang tanong na bihirang pag-usapan.
Nasaan ang pangmatagalang plano para sa industriya?
Hindi puwedeng umasa ang pelikulang Pilipino sa iilang blockbuster o sa isang buwang sigla nadulot ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Mahalaga ang MMFF sa pagbibigay ng espasyosa lokal na pelikula, pero ang isang industriya ay hindi nabubuhay sa isang festival lang. Kailangan ng tuluy-tuloy na suporta, mas maraming screen para sa Filipino films, mas agresibong marketing, at mga polisiyang tunay na magpapalakas sa local film industry.
Kasabay nito, marami ring independent films ang kinikilala sa iba't ibang international film fest, ngunit hirap makakuha ng sapat na screening sa sarili nilang bansa. Isang paalala ito na may talento ang Pilipino. Ang kulang ay mas maraming pagkakataon para mapanood sila ng sarilingkababayan.
Pero alam ninyo kung bakit naniniwala akong hindi pa patay ang pelikulang Pilipino?
Kapag may totoong magandang pelikula, nanonood pa rin ang Pilipino. Kumakalat ang angmagagandang reviews, humahaba ang takbo sa sinehan, at dumarami ang nanonood. Ibig sabihin, hindi nawalan ng pagmamahal ang audience sa sariling pelikula. Nawalan lang sila ng dahilanpara gumastos at lumabas ng bahay.
Ang pelikulang Pilipino ay hindi pa patay.
Sugatan? Oo.
Kritikal ang kondisyon? Walang duda.
Pero may pulso pa.
At ang totoo, hindi Hollywood, Netflix o TikTok ang pinakamalaking kalaban nito.
Ang pinakamalaking kalaban ng pelikulang Pilipino ay ang pagtangging tanggapin na nagbagona ang panahon.
Dahil kapag patuloy nating gagawin ang dati habang umaasang babalik ang dati ring resulta, baka isang araw, hindi na opinion ang "Patay na ang pelikulang Pilipino."
Balita na.




