Isang Asian small-clawed otter, na kilala bilang “dungon,” ang nasagip sa Brgy. Malcampo, Roxas, Palawan noong nakaraang linggo.
Naunang nakita ng mga residente ang otter sa isang kalsada sa lugar at agad itong binigay sa mga awtoridad. Matapos matiyak na maayos ang kondisyon nito, ibinalik na ito sa kaniyang natural habitat.
📷: MENRO Palawan


