Pumalo sa ₱2.32 bilyon ang pinsala sa agrikultura kasunod ng hagupit ng mga bagyo at habagat nitong mga nagdaang linggo, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Nasira rin ang 60,896 metriko tonelada ng mga produktong agrikultural at 62,732 ektarya ng mga sakahan.
Apektado rin ang 69,615 magsasaka at mangingisda sa Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Western Visayas.
Ayon sa DA, maaari pang madagdagan ang pinsala habang nagpapatuloy ang pagsusuri sa mga naapektuhang lugar.



