Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pilipino ang kabilang sa mga nawawala matapos ang flash flood sa Nepal-China border noong Miyerkules, Agosto 26.
Sa pinakahuling ulat, nasa 369 na ang nasawi at mahigit 1,400 ang nawawala, kabilang ang mga dayuhan at turista.
Patuloy namang minomonitor ng DFA ang kalagayan ng 128 pang Pilipino na nasa Nepal. Karamihan sa kanila ay mga Filipina na may asawang Nepali, habang ang ilan ay migrant workers.
📷: Reuters


