Hinimok ni SILG Jonvic Remulla ang Kongreso na pag-isipang pagsamahin ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).
Sa budget hearing ng DILG sa Kamara, sinabi ni Remulla na magkapareho umano ang pangunahing tungkulin ng dalawang ahensya kaya mas magiging episyente kung pagsasamahin ang kanilang operasyon.
“Magkapareho ang pangunahing tungkulin ng dalawang ahensya, kaya mas magiging episyente kung pagsasamahin ang kanilang operasyon,” ani Remulla.
Iminungkahi rin niyang maisama sa integrasyon ang mga municipal at provincial jail upang mapabuti ang record management at maiwasan ang pagkaantala sa pagpapalaya sa mga detainee na nakatakda nang makalaya.


