Nilinaw ng PAGASA na hindi isang sandstorm ang biglaang pagdilim at pagkalat ng alikabok malapit sa Senate building at mga karatig-lugar sa Pasay City noong Miyerkules.
Ayon sa ahensya, dulot ito ng malalakas na hangin mula sa paparating na thunderstorm na may kaugnayan sa habagat. Panandalian lamang ang insidente at agad ding bumuti ang visibility matapos humina ang hangin.
Nagbabala naman ang PAGASA na maaari pang magkaroon ng malalakas na bugso ng hangin habang nagpapatuloy ang habagat.
📷: PAGASA


