Pormal nang inanunsyo ng Tatler PH ang grand homecoming at world record attempt ni Alex Eala sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Sa isinagawang opisyal na press conference ng Tatler PH, pormal nang inihayag ang nalalapit na “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate.”
Matutunghayan ang makasaysayang tennis match sa Disyembre 8, 2026, sa Philippine Arena.
Layon nitong magbigay ng karapat-dapat na pagkilala at homecoming para sa pambansang tennis star, kasabay ng pambansang pagtatangka na magtala ng world record para sa pinakamataas na attendance sa isang live tennis match.


