Natukoy ng mga awtoridad na isang estudyante ang nagpadala ng text message na nagdulot ng pangamba sa seguridad ng mga estudyante at guro sa La Salle Green Hills (LSGH) nitong Huwebes, Agosto 27.
Ayon kay Mandaluyong City Police Chief Col. Reynan Patam, nagpakilalang “shooter” ang estudyante sa isang group chat.
Agad namang ipinaalam ng mga nakatanggap ng mensahe sa kanilang mga magulang ang insidente.
Dahil dito, pansamantalang nagpatupad ng online classes ang LSGH bilang pag-iingat habang patuloy na nakikipag-ugnayan ang paaralan sa mga awtoridad.


