Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na anim ang nasawi, apat ang nakaligtas, habang tatlo ang patuloy na hinahanap matapos tumaob ang isang bangka sa Mapanuepe Lake, San Marcelino, Zambales nitong Huwebes, Agosto 27.
Ayon sa PCG, kabilang sa mga nasawi ang tatlong matanda at tatlong bata.
Patuloy ang search and rescue operation ng mga awtoridad para hanapin ang dalawa pang bata at isang matandang nawawala.
📹: PCG | via Earlo Bringas

