Humihingi ng tulong ang pamilya at mga kaibigan ng 22-anyos na Filipina registered nurse na si Mariae “LC” Nacu, matapos siyang ma-detain ng U.S. Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa Phoenix, Arizona.
Ayon sa kaniyang nobyo, mayroon umanong valid employment authorization si Nacu at nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital sa Phoenix. Kalaunan ay inilipat siya sa Eloy Detention Center.
Humihingi ngayon ng tulong ang pamilya ng Pinay nurse para sa kaniyang legal expenses at posibleng bond habang nagpapatuloy ang immigration case. May inilunsad ding GoFundMe campaign para sa kaniyang abogado, court fees, at iba pang gastusin.
Samantala, hiniling ng kaniyang pamilya na huwag munang ilabas ang mga detalye ng immigration case ni Nacu habang nagpapatuloy ang legal proceedings.
📷: Joshua Perea


