Nasawi ang anim na katao, habang tatlo ang nawawala, at apat ang nailigtas matapos tumaob ang isang motorbanca sa Lake Mapanuepe, San Marcelino, Zambales noong Huwebes, Agosto 27.
Sakay ng motorbanca ang 13 miyembro ng Aeta community na pauwi na sana matapos dumalo sa vaccination program at kumuha ng pagkain at gamot sa isang health center.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), posibleng malakas na hangin at maalon na tubig ang naging sanhi ng insidente.
📷: San Marcelino FS



