Suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa National Capital Region (NCR) simula 1:00 ng hapon ngayong Biyernes, Agosto 28, dahil sa masamang panahon dulot ng southwest monsoon o habagat at low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Rizal, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.
Patuloy namang mag-ooperate ang mga tanggapan na nagbibigay ng basic at health services, disaster response at iba pang mahahalagang serbisyo.
Sa pribadong sektor, nasa pamunuan ng bawat kompanya ang desisyon sa suspensyon o alternative work arrangements.
📹: via Madelyn Villar-Moratillo
📷: Office of the President


